LTFRB, nilinaw na may student discount pa rin sa public transpo kahit na mayroong bakasyon

Pinaalala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga pampublikong transportasyon ang diskwento ng pamasahe sa mga mag-aaral.

Nilinaw ng LTFRB na kahit weekends at nakabakasyon pa ang mga estudyante ay sakop pa rin ito sa student discount.

Ayon sa ahensya, karapatan ng mga students mula pre-school hanggang kolehiyo ang 20% discount mula Lunes hanggang linggo basta’t magdala lamang sila ng ID; bilang patunay na sila ay enrolled sa kasalukuyang taon.

Sakaling hindi bigyan ng student discount ang mga mag-aaral, hinihikayat ng LTFRB na isumbong sa kanilang tanggapan dahil papatawan ito ng karampatang parusa na lumabag sa RA 11314 o ang Student Fare Discount Act.

Samantala, ang dagdag-pisong pasahe sa mga tradisyunal at modern jeepney ay lumarga na ngayong araw.

Mula sa P12 na pamasahe ng traditional jeepney ay magiging P13 na; habang sa modern jeepney naman ay P15 na.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *