Serye ng mass killings ng Myanmar military, ibinunyag ng mga testigo

Nabunyag ang sinasabing isinagawang serye ng mass killings ng Myanmar military kung saan umabot sa 40 ang biktima.

Ayon sa mga testigo at ilang survivors, ilang sundalo ang sumalakay sa mga villagers saka inihiwalay ang mga lalaki kung saan ay pinatay ang mga ito.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Lumutang din ang ilang larawan at video na ilan sa mga pinatay ay pinahirapan saka ibinaon sa mga mababaw na libingan.

Nangyari umano ang pagpatay noong July sa apat na magkakahiwalay na lugar sa Sagaing District sa Central Myanmar.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Pinaniniwalaang ang pagpatay ay dahil sa demonstrasyon ng mga tao na maibalik ang demokrasya sa kanilang bansa matapos ang kudeta noong Pebrero na nagpatalsik sa kanilang leader na si Aung San Suu-Kyi.