Serena Williams, tuloy ang opening match sa Cincinnati sa Martes

Tuloy ngayong araw ang opening match ni Serena Williams sa Western & Southern Open, matapos na hindi natuloy noong Lunes.

Ang 40-anyos na si Williams, na naghahanda para sa kanyang pagreretiro, ay nakatakdang makaharap ang 19-year-old na si Emma Raducanu, ang defending US Open champion.

Una nang sinabi ni Williams na nais niyang magkaroon ng isa pang anak, at matutukan ang kanyang negosyo, kaya magreretiro na siya sa kanyang sports.

Samantala, hindi naman sinabi ng 23-time Grand Slam champion kung anu ang kanyang magiging last event, bagama’t nakikita na ang final farewell ay sa US Open, na magsisimula sa Aug. 29 sa New York.

Mababatid na natalo si Williams noong nakaraang linggo sa 6-2, 6-4 laban kay Belinda Bencic sa Toronto, matapos ang kanyang first match simula nang ihayag ang kanyang future plans.