Salman Rushdie, tinanggalan na ng ventilator, ‘road to recovery’

Tinanggalan na ng ventilator at gumaganda na ang kondisyon ni Salman Rushdie, ang acclaimed author na pinagsasaksak ng maraming beses sa kanyang public appearance sa New York noong nakaraang linggo,  33 taon matapos na ipanawagan ni noo’y supreme leader ng Iran ang pagpapapatay sa kanya.

Ayon sa agent nito na si Andrew Wylie, bagama’t matatagal, dahil sa sobrang lala ng mga sugat, at gumaganda na umano ang kondisyon ni Rushdie.

Read More:  Maris Racal distributes’free bigas’ to celebrate showbiz milestone

Ang 75-anyos na novelist ay nakatakda sanang magbigay ng kanyang lecture sa Chautauqua Institution sa western New York hinggil sa kahalagahan ng United States bilang haven para sa mga targeted artists, nang sumugod ang 24-anyos na lalaki sa stage at pinagtataga ito.

Read More:  Cristine Reyes, Gio Tingson are Engaged

Mababatid na ang Indian-born writer ay matagal nang may patong sa ulo kasunod ng kanyang publication sa kanyang 1988 novel “The Satanic Verses,” na sinasabi ng ilang Muslims na naglalaman umano ng blasphemous passages.

Noong 1989 naglabas si Iran’s supreme leader Ayatollah Ruhollah Khomeini ng fatwa, o edict na nananawagan para sa kanyang assassination.