Serbisyo Caravan sa mga coastal towns sa Isabela, isasagawa

Magsasagawa ng Serbisyo Caravan ang ibat-ibang ahensiya ng gobyerno saMaconacon, Divilacan at Palanan, Isabela sa April 11-12 , 2024.

Magdadala ang mga ito ng family food packs, non-food items, garden tools, portable solar dryers, at mga kagamitan sa pangingisda na isasakay sa BRP MALAPASCUA (MRRV-4403) ng Philippine Coast Guard.

Ayon kay Regional Director Phlormelinda Olet ng National Intelligence Coordinating Agency, ito ay inisyatiba ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) na layunin maihatid ang ibat-ibang tulong sa mga residente sa mga nabanggit na bayan.

Magkakaroon din ng libreng pagpoproseso sa mga nais kumuha ng NBI , Police clearances, birth registration, business registration, at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *