Health center project, ipinasakamay sa Brgy. Villa Bello

Ipinasakamay na sa Barangay Villa Bello, Jones, Isabela ang isang health center na may birthing facility sa ilalim ng Local Government Support Fund – Support to Barangay Development Program (LGSF-SBDP) Projects.

Ito ay pinangunahan ng DILG- Isabela, LGU- Jones at Brgy. Local Government Unit ng Villa Bello, katuwang ang 86th Infantry “Highlander” Battalion.

Tatanggap din ang nasabing barangay ng farm – to – market road project sa ilalim ng Support to Barangay Development Program na nagkakahalaga ng isang milyong piso.

Ang Support to Barangay Development Project ay isang pangunahing programa ng gobyerno na layuning maihatid ang mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan sa mga liblib na barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *