Sinimulan na ni Alex Eala ang kaniyang kampanya sa US Open, kung saan ay nakatapat niya kaagad ang home bet na si Charlotte Owensby sa second round ng girls’ singles event sa USTA Billie Jean King National Tennis Center sa New York.
Ang 16-anyos na Filipina pride ang number 2 player sa world junior rankings, na dahilan para paboran ito sa laban nito kay Owensby, bilang wildcard entry.

Si Owensby naman na ITF Juniors No. 315, ay nagtagumpay sa first-round laban sa pambato ng Thailand na si Pimrada Jattavapornvanit.
Samantala sa doubles naman, ay naghihintay pa sina Eala at ang partner nito na si Hanne Vandewinkel ng Belgium ng kanilang makakalaban.