Senior, idineklarang patay na kahit buhay pa sa China

Nagimbal ang marami nang malaman na isang matandang lalaki ang napagkamalang patay na at dinala pa sa morgue sa Shanghai dahil sa COVID-19.

Base sa footage na nakuha ng isang bystander, maging ang mga naka-full protective gear na mga manggagawa na kumuha sa sinasabing patay na matanda ay nagulat nang natuklasan na buhay pa ang kanilang bitbit.

Mabilis na kumalat sa social media ang nasabing video na nagresulta sa pagkagulat at pagkagalit ng mga tao.

Tinawag na iresponsable ng marami ang ginawa ng nursing home na pagpapadala sa morgue sa isang buhay pa na pasyente.

Kaugnay nito, natanggal sa puwesto ang head ng nursing home habang tatlong opisyal din ang natanggal mula sa district civil affairs bureau and social development office.(LEO NAVARRO-MALICDEM)
#