Pasok sa mga Government Offices pati pribado at pampublikong paaralan sa Naga City, suspendido sa May 6 kaugnay ng Historic People’s March

NAGA CITY- Suspendido ang pasok sa mga government offices local man o national na ahensya sa Naga City , wala ring pasok sa  lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa  Biyernes, Mayo 6.

Ito ang inihayag sa mga miyembro ng Media ni Mayor Son Legacion at nakapalaman din sa Memorandum Circular na inilabas kahapon.  Layunin nito ang mapanatili ang kaligtasan ng mga dadalo sa Historic One People’s March mula sa iba’t-ibang parte ng Bicol Region, mga daraan lamang at pati mga hindi supporters ng Leni-Kiko tandem.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City
Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Kaya sa mga may sadya sa mga national agencies o offices sa Naga nainam kung pumunta na ngayong araw o sa Mayo 5.

Samantala, sa mga lalahok may mga inilaag convergence point para mga mula sa iba’t-ibang bahagi ng Camarines Sur,  Camarines Norte, Albay at Sorsogon.