Senior citizen sa Naga City, ikinatuwa ang pagbabalik ng libreng sine

NAGA CITY – Ikinatuwa ng senior citizens sa Naga City ang muling pagbabalik ng libreng sine sa lungsod para sa kanilang sektor kasama ang Persons With Disability (PWDs).

Isa si Marites Base ng Barangay Balatas na kakatapos palang sa pagdiriwang ng kanyang ika-60 kaarawan noong Abril ang naexcite sa nasabing magandang balita.

Dahil bagong miyembro pa lang ng pagiging senior citizen si nanay Marites, inaabangan niya ang mga benepisyong matatanggap. Anya makakapagbigay aliw ito sa kanya at kahit papaano ay mababawasan ang lungkot na mararamdaman lalo na’t dalawang buwan pa lamang simula nang siya ay maging biyuda. Isa rin sa mga hangad ni nanay Marites na nawa’y maabutan siya ng mga gamot at gatas na siyang mas lubos niyang kailangan.

Noong nagdaang Martes, Mayo 28, 2024 pormal nang pinirmahan ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng lokal na gobyerno ng Naga at isang kilalang mall sa lungsod para maibalik ang libreng sine. May ilang patakaran pa ang kailangang i-ratify ngunit posibleng maipatupad na ito sa una o ikalawang linggo ng Hunyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *