Senior citizen, nabundol ng motor sa Candelaria, Quezon

Sugatan ang isang senior citizen makaraang mabundol ito ng motor sa Barangay Malabanban Sur, Candelaria Quezon nitong Lunes, Hunyo 10.

Base sa report, patungo sa direksyon ng Maharlika Highway ang motor na minamaneho ng 20-anyos na driver nang masalpok nito ang noo’y tumatawid na biktima.

Parehong nagtamo ng mga injury sa katawan ang driver ng motor at ang biktima kung kaya isinugod ang mga ito sa hospital para malapatan ng lunas.

Sa ngayon, nagkasundo naman na ang mga panig sa mga usapin hinggil sa aksidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *