11-katao, sugatan matapos masalpok ng truck ang isang van sa Pagbilao, Quezon

Sugatan ang 11 katao matapos masalpok ng truck ang isang van sa Barangay Ibabang Palsabangon, Pagbilao, Quezon nitong Martes, Hunyo 11.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, lumalabas na nang makarating ang truck sa kurbadang bahagi ng daan, inokupa nito ang kaliwang lane kung saan doon na ito sumalpok sa kaliwang unahang bahagi ng van.

Dahil sa lakas ng impact, nawalan pa ito ng kontrol at saka bumangga sa isang bahay.

Nagtamo ng mga injury sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang dalawang driver at ang siyam (9) na pasahero ng van kung kaya isinugod ang mga ito sa hospital habang napinsala naman ang dalawang sasakyan at ng nasalpok na bahay.

Samantala, nagkasundo naman na umano ang mga panig sa mga usapin hinggil sa aksidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *