Malayang pangingisda panalangin ng isang grupo sa Camarines Sur  ngayong Araw ng Kalayaan

CAMARINES SUR- Malayang makapag hanapbuhay sa West Philippine Sea at saan mang karagatang sakop ng bansa ang hiling ng grupo ng mga mangingisda sa Calabanga, Camarines Sur ngayong ika-126  na Araw ng Kalayaan.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Isabelo Pilarca, Presidente ng FARMC o organisasyon ng mga mangingsda ng labing isang mga coastal barangays, nakaaawa ang lagay ng mga kapwa nila mangingisda na nakukumpiskahan ng huli sa pinag-aagawang terotoryo, nasakit din aniya sa dibdib/ na makita  an pambobomba ng tubig sa mga sasakyang pandagat ng bansa.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ibinahagi nito na sila rin sa Calabanga ay nais maging malaya; malaya sa laot na walang kakumpitensyang malalaking ilegal fishing vessels. Binagggit ni Pilarca ang trawls pati ang tinatawag nilang “sudsod”. 

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ayon naman sa Calabanga Fisheries Management Unit, patuloy ang kanilang monitoring at seaborne operation,  kulang lamang sa personahe at kagamitan.