Binalaan ni Senador Ramon Bong Revilla Jr. ang mga kriminal na magtago na sa pag-upo ni dating retired Judge Jaime Santiago sa National Bureau of Investigation (NBI) bilang direktor.
Anya, kumpiyansa siyang hindi titigilan ni Santiago ang mga ito at kaya umano niyang patunayan o ipagtanggol ito.
Tinawag din niyang ‘very good’ ang pagpili ni Pangulong Ferdinand Marcos kay Santiago dahil tiwala siya na ito ang pinaka-angkop na lumuklok sa pwesto na ito upang masugpo ang krimen sa bansa.
Kung maaalala – si Revilla ang gumap bilang si Santiago sa 1996 action film na ‘SPO4 Santiago: Sharpshooter’.
Bago ang pagkatalaga kay Santiago ay nagsilbi muna siya bilang dating Presiding Judge sa Regional Trial Courts sa Manila, Tagaytay at maging sa Metropolitan Trial Court sa Manila City.