Kuwento sa likod ng 1st solo ni SB19’s Stell na ‘Room’ – ibinahagi

Ibinihagi ni Stell ng SB19 ang kwento sa likod ng kanyang solo single song na ‘Room’

Bumuhos ang pagmamahal at suporta sa bagong release na solo single song ni Stell na “Room”

Sa likod ng magandang artistry at funky track na kanta, sinabi ni Stell, na lubos siyang nagpapasalamat sa kanyang SB19 fellow member na si Pablo.

Ayon kay Stell, sa kanyang single lauching sa San Juan City, inalok siya ng kanyang band’s leader na gumawa ng kanta na para sakanya.

“I know myself po na I’m into this kind of sound na very ‘yung Michael Jackson and Bruno Mars, but I want to incorporate ‘yung medyo theatrical and musical na genre po. So I think dun po siya umiikot kaya naging ganun po ‘yung sound ni ‘Room,’” pahayag ng singer na si Stell.

Dagdag pa ni Stell na si Pablo ang sumulat ng lyrics ng ‘Room’ at katulong din ang kanyang kapatid na si Josue sa beat ng baseline ng kanta.

Higit pa rito gustong magbigay ng “own personal message” ang artist na si Stell sa mastermind ng bagong song.

Para kay Stell, na ang konsepto nito “Room” ay ang lugar na malaya siyang maging sarili niya kung saan kaya niya maging confident at kaya niyang gawin lahat ng gusto niya ng walang pagaalinlangan. (Rauvic Cifra – Brigada News Intern)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *