Nanay, patay matapos pukpukin ng pala ng kanyang sariling anak Quezon

Nahaharap ngayon sa kasong parricide ang isang anak matapos pukpukin ng pala at mamatay ang kanyang ina sa Sariaya, Quezon

Sa ulat ng Quezon Police Provincial Office, naganap ang insidente alas 10:15 ng gabi kagabi.

Batay sa imbestigasyon, natutulog ang biktima sa kanyang bahay nang pukpukin ng kanyang anak na lalaki sa ulo gamit ang isang pala.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima ngunity idineklarang dead on arrival ng sumuring doktor.

Napag-alaman sa karagadagang imbestigasyon na ang suspek ay mayroong problema sa pag-iisip.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *