Senator Imee Marcos – umiiwas lang daw sa ‘init ng halalan’ kaya kumalas sa ‘Alyansa’ slate ni PBBM

Pinasalamatan ni Senadora Imee Marcos ang kaniyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos sa pag-intindi sa kaniyang sitwasyon.

Sa isa kasing ambush interview, sinabi ng Pangulo na suportado pa rin niya ang Senadora kahit na pinili nitong hindi sumama sa kaniyang ‘Alyansa para sa Bagong Pilipinas’ senatorial slate.

Wi-nelcome ito ni Sen. Imee at muling nilinaw na wala naman siyang kaaway o kaalitan.

Read More:  Marcos mourns 2 students killed in Zamboanga shooting, orders probe

Bago ito, sinabi niya sa isang press briefing sa Senado na kung mayroon daw magka-away na parehong malapit sa kaniya, mas pipiliin niyang pagbatiin ito, kaysa may kampihan na isang panig.

‘..Kung may dalawa kang pinakamalapit na kaibigan at sila’y nag-aaway, kakampihan mo ba ‘yung isa, laban sa isa? Siyempre, ang gusto mong mangyari, pagbatiin sila, magkausap sila, at ikaw na ang magiging daan para doon’. sabi ni Sen. Imee.

Read More:  House eyes higher DepEd Budget for 2027 school security after Ateneo de Zamboanga shooting

Sabi niya, ang kinatatakutan lang naman daw niya ay ‘yung ‘init ng halalan’.

Hindi niya raw kasi matiis ang mga ‘malupit’, ‘o minsa’y ‘masasakit na mga banat’.

Aniya, kung mayroon mang hindi nagkakaisa ay maghihintay muna siya sa isang tabi, at wala siyang kakampihan.