Hinihinalang hazing victim – natagpuan sa Nueva Ecija

Patay ang isang 18-taong gulang na lalaki na pinaniniwalaang biktima ng hazing.

Sa ulat mula kay Nueva Ecija Provincial Director PCol Ferdinand Germino, sinabi nitong natagpuan ang katawan ng biktima sa Brgy. San Pablo, Jaen, Nueva Ecija, alas-10:20 kagabi.

Kinilala ang 2 suspek na myembro ng Tau-Gamma Phi Fraternity na pinaghahanap na sa ngayon.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Ayon pa sa report, nagtungo sa Jaen Police Station ang kamag-anak ng biktima, at inireport sa mga pulis ang pagkamatay umano sa hazing ng binatilyo.

Sa ginawang inisyal na imbestigasyon at mga nakalap na impormasyon mula sa mga testigo, nalaman na alas-5 kahapon nang dalhin ng mga suspek ang katawan ng biktima sa kanilang tahanan sa Brgy. San Pablo, Jaen, Nueva Ecija at agad na tumakas.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Humingi na ng tulong ang Jaen MPS sa Nueva Ecija Provincial Forensic Unit para sa pagsasagawa ng autopsy para malaman ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.