Ilang bahagi ng Northern Luzon – binaha na dahil sa epekto ng Bagyong Julian

Magdamag na inulan at binayo ang ilang bahagi ng Northern Luzon dahil sa Bagyong JulianPH.

Ang resulta – matinding pagbaha sa ilang mga lalawigang kagabi pa inuulan.

Sa mga larawan mula sa Batac LGU sa Ilocos Norte, makikitang abot tuhod na ang baha sa ilang mga barangay doon.

Malakas din na hangin at pag-ulan ang nararanasan sa iba’t ibang bahagi ng Batanes na nakasailalim sa signal number 4 sa ngayon.

Read More:  Teachers’ Group again calls for proper implementation of education programs

Bago ito – nagsagawa na nag evacuation sa ilang bahagi ng Batanes, kabialng na sa mga bayan ng Basco, Mahatao, Ivana, at Itbayat.

Samantala, dalawang kalsada partikular sa Sigay, Ilocos Sur ang hindi passable sa lahat ng uri ng sasakyan dahil sa epekto ng bagyo.

One-lane lang din ang nadadaanan sa ngayon sa Buyacaoan, Buguias Benguet dahil nagsasagawa pa ng clearing operation sa lugar ang DPWH.

Read More:  Around 1M DepEd personnel expected to receive mid-year bonus

Ngayong araw, nag-suspend na ng klase at pasok sa trabaho ang ilang mga lugar na hinagupit ng bagyo.

Kinumpurma naman ni COMELEC Chairperson George Garcia na posibleng i-extend hanggang sa mga susunod na araw ang voters’ registration sa mga lugar na apektado ng Bagyo.

Sabi ni Garcia, ipauubaya na nila sa mga election officers sa Northern Luzon kung isu-suspend ba ngayong araw ang pagpaparehistro.