Senator-elect Tulfo, target gumawa ng batas para sa PWDs

Target ng bagitong senador na si Raffy Tulfo na pagtuunan ng pansin ang kapakanan ng mga person with disabilities at ang mga batang mayroong special needs.

Sa pahayag, sinabi ng senator-elect na isusulong nito ang mga panukalang layong masuportahan ang pangangailangan ng sektor na ito.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Kabilang na diyan ang pagkakaroon ng lifelong care o panghabambuhay na suporta sa kanila hanggang sa kanilang pagtanda.

Bagamat limitado aniya ang resources ng gobyerno, sisikapin nitong ma-maximize ang pondo hanggang sa LGU level para maisagawa ang pagsasaliksik sa kanilang mga karamdaman.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Sa oras na malagdaan ang kanyang panukala, maaari nang magkaroon ng mga libreng wheelchairs, libreng SPED tution, at paglalagay ng therapy o mental health care sa PhilHealth coverage.

Ayon kay Tulfo, pinag-aaralan niyang isulong ang pag-aalocate ng hanggang sa 5% ng national budget para rito.