Pinuri ng Commission on Human Rights ang mga naging hakbang ng Philippine Coast Guard para igiit ang pagmamay-ari sa mga pinagaagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Ginawa ni CHR Executive Dir. Atty. Jackie de Guia ang pahayag matapos ang ginawang paglalatag ng PCG ng limang mga boya o marker na mayroong watawat ng Pilipinas sa Lawak Island, Likas Island, Parola Island, at sa Pag-asa Island.
Ayon kay de Guia, walang sinumang estado ang mayroong karapatang pagbawalan ang mga Pilipinong mangingisda na ipagpatuloy ang kanilang kababayan sa ating mga teritoryo.

Ang ginawang paglalagay ng markers ng PCG umano ay isang mensahe sa iba pang mga claimants na mayroong sovereignty ang Pilipinas sa Kalayaan group of islands.
Mababatid na maliban sa mga inilatag na boya sa West Philippine Sea, nagtayo rin ang PCG ng mga Command Observation Posts sa Likas Island, Lawak Island, at Parola Island.
Iniulat din ng PCG na dumami ang mga mangingisdang Pilipino sa West Philippine Sea.
#