Senator Bong Go, nilinaw na walang reward system sa drug war ng nakaraang administrasyon

Nilinaw ni Senador Christopher “Bong” Go na walang ‘reward system’ na umaabot sa P1 milyon halaga kada patay sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Read More:  Senate passes bill barring public officials’ relatives from government contracts

Ayon kay Go, walang ganitong sistema na ipinatupad kapalit ng buhay ng sinuman.

Dagdag pa niya, hindi kailanman pinahintulutan o kinunsinti ng dating administrasyon ang walang saysay na pagpatay.

Read More:  Prosecution not afraid of Lachica testimony, questions its value in VP Duterte impeachment trial

Itinanggi rin ni Go ang mga alegasyon na siya ay sangkot sa paghawak ng pera para sa umano’y reward system.