Sen. Bato Dela Rosa, itinanggi ang banta kay Kerwin

Itinanggi ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na tinakot niya ang umano’y drug lord na si Kerwin Espinosa upang idawit sina dating Senadora Leila de Lima at negosyanteng si Peter Lim sa illegal na droga.

Read More:  Loren Legarda extends medical leave as Senate confirms absence

Ayon kay Dela Rosa, hindi credible si Espinosa bilang saksi.

Sa natapos na pagdinig ng Quad Committee, inakusahan ni Espinosa si Dela Rosa ng pagpilit na idawit sina Lim at De Lima.

Read More:  Sara Duterte leads 2028 presidential preference survey with 50%

Sinabi ng Senador na walang kinalaman ang Philippine National Police (PNP) sa kaso laban kay De Lima dahil ito’y ginawa ng Department of Justice (DOJ).

Dagdag pa niya, walang dahilan para pilitin si Espinosa na idawit si De Lima.