Sinimulan na ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes ang kanilang unang pulong kaugnay sa posibleng amendment ng 1987 Constitution.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Senator Robinhood Padilla na bilang head ng committee, mananatili siyang open-minded sa mga opinyon at proposals na ipi-presenta na naglalayong pagbutihin pa ang Saligang Batas.
Samantala, ibinahagi naman ni Christian Monsod, isa sa mga framers ng 1987 Constitution, ang ilang proposed amendments na pinapaboran niya.
Ayon kay Monsod, pabor siya sa tandem voting para sa presidential at vice presidential candidates, at ang pagkakaroon ng “run-off elections” sa mga kaso na dikit ang boto para sa dalawang posisyon.
Dagdag nito, pabor rin siya sa amendments ng composition at function ng Judicial Bar Council, maging ang removal ng quasi-judicial function ng Commission on Elections (Comelec).
Samantala, iminungkahi ni Monsod kay Padilla, na ireview ang record noong September 2016 forum na dinaluhan ng 50 diplomats ar mga eksperto.
