Tiniyak ng Department of Trade and Industry na sapat ang suplay ng asin sa bansa, sa kabila ng pagtaas ng presyo nito.
Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, kailangan maintindihan din ng publiko na itong mga manufacturers na ito ay sobrang tagal na umano hindi nagtataas ng presyo.
Mababatid na batay sa latest SRP (Suggested Retail Price) na inilabas ng DTI on August 12, ang SR para sa 500 grams ng iodized rock salt ay P21.75 at P23.00 naman para sa isang kilo.
Para sa iodized salt, ang SRP para sa 100-gram packs ay P4.50; P9.00 hanggang P11.75 para sa 250 grams; P16.00 hanggang P21.25 para sa 500 grams; at P29.00 para sa isang kilo.
Samantala, maliban sa asin, inilabas din ng DTI ang kanilang updated SRPs para sa iba pang commodities gaya ng sardinas, gatas, sabon, bottled water, at instant noodles, at iba pa.
