Nalaglag sa prestihiyosong The RING bantamweight ranking ang dating Pinoy three-division champion na si John Riel Casimero.
May isang taon nang hindi lumalaban si Casimero, na mayroong fight record na 31-4 with 21 knockouts.
Huli niyang nakaharap sa ring si Guillermo Rigondeaux noong August 2021 kung saan nanalo ang Pinoy champ via split decision.
Pero dalawang sunod na laban niya kontra sa challenger na si Butler ang hindi natuloy, na dapat sana ay mangyayari noong Disyembre, pero kinansela dahil isinugod sa ospital si Casimero bunga ng gastritis sa araw ng kanilang weigh-in, at noong Abril sana, pero nadiskuwalipika ito dahil sa paglabag sa British Boxing Board of Control rule na nagbabawal sa mga fighter na mag-sauna para magbawas ng timbang.
Dahil dito, inalis na kay Casimero ang WBO bantamweight bet, at ipinalit sa kaniya ang Pinoy na si Jonas Sultan, para labanan si Butler ang WBO interim bantamweight title, kung saan nanalo ang huli via unanimous decision.
