Nilinaw ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na sa loob ng kanilang naging session break ay walang lumapit sa kanya mula sa grupo nila dating Senate President Migz Zubiri.
Ito ay sa kabila ng naging pahayag ni Senador Joel Villanueva noong mga nakaraang buwan na handa na ang tatlo o apat sa kanilang grupo na sumama sa minority bloc.
Kasunod ito sa naging coup d’état o pagpapatalsik sa pwesto kay dating Senate President Migz Zubiri na siyang resulta naman ng pag-apruba ng labinglimang senador sa pagpalit ni Senate President Chiz sa pwesto.
Alinsunod nito, ayon kay Pimentel, mukhang sila pa rin umano ni Senadora Risa Hontiveros ang mananatili sa minority bloc ng Senado.
Maalala, ang grupo ni Zubiri na kung tawagin dati na ‘Solid 7’ ay binubuo nina Senadora Loren Legarda, Senadora Nancy Binay, Senador Joel Villanueva, Senador JV Ejercito, Senador Win Gatchalian at ni incoming Department of Education Secretary Sonny Angara.