Isang katao ang naitalang sugatan, habang maraming mga lugar naman sa Cebu lalong Lalo na sa Northern Cebu ang binaha dahil sa malakas na pag-ulan dala ng Low Pressure Area kahapon.
Iilang mga local government units tulad na lang ng bayan ng San Remigio ay nagpatupad sila ng preemptive evacuation sa mga pamilyang apektado ng baha.
Nalaman na nasa 80 mga indibidwal mula sa barangay Lawis ang inilipat sa San Remigio Sports Complex and Evacuation Center.
Habang sa bayan ng Catmon , bumuhos rin ang malakas na ulan na nagresulta ng landslide na tumama sa isang sikat na beach destination sa barangay Binongkalan kung saan, ,isang 40 anyos na lalaki ang sugatan na agad namang dinala sa pagamutan.
Naitala rin ang mga pagbaha sa iba pang mga lugar sa northern Cebu kaya kahapon, hindi madaanan ang mga kalsada sa highway sa barangay Don Pedro, Bogo City at sa border ng San Remigio.
May naranasan ring mga pagbaha sa mga bayan ng Tabogon at Borbon habang ang highway papunta sa barangay Daanlungsod sa Medellin ay hindi rin madaanan dahil sa mga natumbang mga punong kahoy.
Maliban dito, may naitala ring landslide sa iilang bahagi ng City of Naga sa southern part ng Cebu. (with reports from AIRES ATUEL-DEPOSITARIO – 90.7 BNFM CEBU)