Dalawang bagong kaso ng mpox – na-detect ng DOH sa Metro Manila at CALABARZON; Active cases, umakyat na sa lima

Muling naka-detect ng mga bagong kaso ng mpox sa bansa.

Ayon sa Department of Health, mayroong dalawang mpox cases na kapwa mayroong milder na MPXV clade II.

Nagmula ang mga ito sa Metro Manila, at ang isa ay sa CALABARZON.

Read More:  1 in 4 vehicles sold in the Philippines were electric vehicles in 2026

Ang case 13 ay isang 26-year-old na babae sa Metor Manila.

Tukoy na ang dalawa nitong close contacts, pero ‘di pa sila nagpapamalas ng sintomas.

Read More:  Rovelyn Baterbonia clarifies P30 entrance fee at Rene Baterbonia’s mini museum

Ang case 14 naman ay isang 12-anyos na lalaki mula CALABARZON.

Dahil dito, mayroon nang limang aktibong kaso ng mpox; at sa kabuaon ay mayroon nang 14 cases na naitala sa bansa.