Mga impormasyong posibleng kinaroroonan ni Quiboloy matapos i-anunsyo ang P10M reward, dadaan sa validation – PNP

Dadaan sa validation at vetting process ang mga impormasyong natatanggap ng Philippine National Police sa posibleng kinaroroonan ni Apollo Quiboloy matapos i-anunsyo ang P10 reward sa kanya.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, batay sa report ni Police Regional Office XI, Regional director BGen. Nicolas Torre III, may mga natatanggap na silang tawag sa kanilang hotline na nagbibigay ng mga impormasyon.

Sinabi ni Fajardo, hindi nila agad-agad tinatanggap ang mga impormasyong ito dahil posibleng mayroong ilan na nililigaw lamang o nagpa-prank calls sa paghahanap kay Quiboloy.

Maalalang bukod sa paglalaan ng reward kay Quiboloy, may tig P1 milyong pisong pabuya rin ang makakapagbigay ng impormasyon para sa ikadarakip ng 5 pang kapwa akusado nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *