Senate Majority Leader – nanawagan sa DFA na pag-aralan ang posibleng paglabag ng China sa International Humanitarian Law

Naniniwala si Senate Majority Leader Francis Tolentino na isang paglabag sa karapatang mabuhay at karapatan sa pagkain ang ginawang pag-agaw ng Chinese Coast Guard (CCG) sa mga suplay na nakalaan sana para sa mga nagbabantay at mangingisda sa West Philippine Sea.

Read More:  Palace open to Facebook ban in Philippines

Alinsunod nito, nanawagan siya sa Department of Foreign Affairs (DFA) na ‘wag lang magpokus sa paghahain ng diplomatic protest bagkus pag-aralan din ang posibleng paglabag ng China sa International Humanitarian Law kasunod ng insidente sa Ayungin Shoal.

Anya, bagamat walang pang direktang labanan ay may ipinagbabawal sa ilalim ng International Humanitarian Law na paggamit ng gutom bilang pamamaraan ng digmaan.

Read More:  Marcos says heavy rain and climate change worsened Central Luzon flooding

Maalala, ayon sa inilabas na datos ng OCTA Research, mayorya ng mga Pilipino ang naniniwalang malaking banta ang China sa Pilipinas.