Lalaking kakalabas lang ng kulungan, umakyat sa tore ng isang radio station

Matagumpay na na-rescue ang isang lalaking umakyat sa tower ng radion station sa San Nicolas, Cebu, alas-3 ng hapon, Hunyo 5.

Kinilala ang lalaki na si Alyas Tonton, 40-anyos.

Read More:  Police track suspect behind online bomb threat in Negros city

Ayon sa kapulisan, mahigit dalawang oras ang pag-rescue sa lalaki.

May taas na 60 meter ang tower na kailangan nilang akyatin.

Read More:  Severed woman’s head found in Cebu as police probe link to missing caregiver

Nang maibaba, kaagad itong sinuri ng medical team na naka-standy.

Napag-alaman na kakalabas lang sa kulungan ng lalaki at inaalam pa kung bakit ito umakyat sa tower.