Tiniyak ni Senate Finance Committee chairperson Senador Sonny Angara na sisikapin ng Kongreso na mapataas pa ang budget na ilalaan para sa mga sektor ng edukasyon at kalusugan para sa final version ng 2024 National Budget.
Ayon kay Angara – matagal na raw sinusuportahan ng Kongreso ang dalawang mga sektor lalo na sa nagdaang apat na mga General Appropriations Act (GAA).

Aniya, posible raw magkaroon ng mga budget reductions mula sa ibang mga Kagawaran at ahensya pata magbigay-daan sa priority sectors.
Kabilang na raw dito ang mga budget na na na-implement na sa kasalukuyang taon, gaya na lamang ng ilang mga infastructure projects.