Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na sapat ang kanilang pwersa kaugnay sa sunod-sunod na malalaking aktibidad ng bansa ngayong linggo at sa mga susunod pa.
Sa panayam ng Brigada NewsFM kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, sinabi nito na 100% na silang kasado para sa opening ng FIBA World Cup 2023 ngayong araw katuwang ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan.

Dagdag pa ni PCol. Fajardo, may mga naka-deploy na rin silang PNP personnel para naman sa unang araw ng filing of candidacy sa susunod na linggo para sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Eleksyon sa Oktubre.
Samantala, siniguro rin ng iba pang ahensya ng pamahalaan kagaya ng Department of Transportation (DOTr) na handa sila sa pagdagsa ng mga pasahero lalo na sa mga linya ng tren gayundin ang MMDA na magmamando sa trapiko na may itinalagang Multi-Agency Command Center para mapabilis ang monitoring.