Wi-nelcome ni Finance Secretary Ralph Recto ang desisyon ni Pangulong Bongbong Marcos na i-ban ang operasyon ng POGO sa bansa.
Ang kautusang ito ay inanunsyo kahapon ng Pangulo sa kanyang SONA.
Mababatid na inirekomenda ni Recto sa presidente na ang pagbabawal ng POGO operations sa bansa ay hindi sobrang makaaapekto sa ekonomiya ng Pilipinas dahil sa social costs at reputation risks.
Samantala, ipinag-utos na rin ni Pangulong Marcos sa DOLE na tulungan ang mga displaced Filipino workers kasunod ng naturang ban.
Kaugnay nito, tiniyak ng Department of Finance (DOF) ang pakikipag-ugnayan sa DOLE upang masiguro reskilling at upskilling sa mga manggagawa.