Senate Committee on Health- umapela sa ilang ahensya ng gobyerno na paigtingin ang 4s strategy laban sa tumataas na kaso ng dengue

Hinikayat ni Senate Committee on Health, Chairperson, Senador Christopher ‘Bong’ Go ang komunidad na paigtingin ang pagiging alerto at pakikipag-ugnayan sa mga stakeholders sa gitna ng tumataas na dengue cases ngayon.

Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health (DOH), nasa 67,874 ang kabuuang naitalang dengue case sa bansa mula noong Enero hanggang nitong Mayo 2024 na 28% na mas mataas kumpara sa mga naunang naitalang datos.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Alinsunod nito, pinagdodobleng ingat ng senador ang publiko at nais niyang paghusayin pa ng mga komunidad ang kanilang preventive measures para maiwasan ang dengue outbreak sa bansa.

Read More:  New US Ambassador to PH meets with Ambassador Babes Romualdez

Anya, marapat na kumilos na ang DOH, LGUs, private sector at komunidad sa pagpapatupad ng mas mahigpit at pinahusay na 4s strategy laban sa dengue.