Chinese national na aksidenteng nahulog habang sakay ng barko sa katubigan ng Zamboanga City, tinulungan ng PCG

Agad na rumespunde at tinulungan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang isang Chinese national na aksidenteng nahulog habang sakay ng barko sa katubigan ng Zamboanga City.

Ayon sa National Maritime Center, humingi ng medical evacuation ang Chinese vessel na “Shi Dailo”matapos aksidenteng mahulog sa Accommodation B-Deck ng nasabing barko ang ang dayuhan.

Ipinadala ng PCG ang BRP Capones (MRRV-4404) upang iligtas at dalhin sa pinakamalapit na pagamutan ang nadisgrasyang Tsino na nagtamo ng ‘head injury’.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *