Senate Committee on Energy: dapat nang alinsan ng prangkisa ang NGCP

“Enough is enough!”

‘yan ang mariing pahayag ni Senate Committee on Energy Chairperson, Senador Raffy Tulfo kaugnay sa nangyaring malawakang power outage sa Western Visayas.

Kaugnay nito, ayon kay Tulfo napapanahon na para pabilisin ang pagrerebisa at agarang pagtanggal ng prangkisa sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) .

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Dagdag pa niya, mahigit dekada at kalahati na ring nagtitiis ang taumbayan sa kapalpakan ng NGCP kung kaya’t sapat na itong ground o batayan sa pag-alis sa kasalukuyan nitong prangkisa.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Samantala, nanindigan naman si Senador Chiz Escudero na marapat ding pagmultahin ang NGCP sa lahat ng mga losses na naranasan ng mga negosyante dahil sa nangyaring blackout.