Nagbabadyang tumaas ang presyo ng mahigit sa 60 na mga basic and prime commodities sa mga susunod na mga buwan, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).
Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay DTI Assistant Secretary, Amanda Nograles, sinabi nito hindi naman agad-agad mangyayari ang pagtaas dahil marami pang kinakailangang gawin ang mga manufacturer.
Ayon kay Asec. Nograles, may 217 items na included sa Suggested Retail Price o SRP Bulletin ng DTI ngunit 29% laman nito ang magtataas kung kaya marami pa ring pagpipilian ang mga mamimili mula sa mga hindi magtataas presyo na mga produkto.
Dagdag pa ni Nograles, noong 2022 at tatlong beses na naglabas ng SRP Bulletin ang DTI ngunit noong 2023 ay isa lamang kaya naman kinakailangan na talagang mapagbigyan ang mga manufacturer sa kanilang hiling na price increase.
Kabilang sa mga basic necessities ang canned fish, kape, noodles, bottled water, processed milk, bread at iba pa. Habang sa primes commodities naman ay flour, condiments, soap at marami pang iba.