“Trust is the currency of banks and finance”
Ito ang pahayag ni Senate Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies, Chairperson, Senador Mark Villar kaugnay sa patuloy na pagtaas ng kaso ng financial fraud sa Pilipinas.
Ayon kay Villar, base sa datos ng cybersecurity firm na Kaspersky, ang bansa ang may pinakamataas na kaso ng phishing attempts sa Southeast Asia nitong nakaraang taon ng Abril.
Kaugnay nito, ayon sa senador, marapat lang na magkaroon ng batas na magpapatibay sa kasalukuyang konstistusyon para sa financial fraud.
Dahil dito, matapos itulak ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagsasabatas sa Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA) ay itinutulak naman din ni Villar ang pagbuo ng Technical Working Group para rito.
Maalala, ayon sa datos, ilan lang sa mga common scamming schemes na patuloy na ginagawa ng mga manloloko ay ang online selling scam, package scam, love scam, profile hijacking at loan scam.