Senate blue ribbon ibinasura ang hiling ni former PS- DBM OIC Lao na maalis sa lookout bulletin

Muling umarangkada ang senate hearing kaugnay sa kwestiyunableng pagbili ng mga laptop ng Department of Budget and Management-Procurement Service (PS-DBM) para sa mga guro ng Department of Education.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ngayong umaga inanunsiyo ni Senate Blue Ribbon Committee chairman Sen. Francis Tolentino na hindi pinagbigyan ng komite ang hiling ni dating PS- DBM OIC Lloyd Christopher Lao na tanggalin na ang immigration lookout bulletin laban sa dating opisyal.

Read More:  Visayas grid to be placed under yellow alert

Ayon kay Tolentino batay sa naging botohan ng mga miyembro ng komite sampung senador ang pumabor para i-deny ang request ni Lao, lima ang pabor, habang dalawa ang nag-abstain.

Inihayag ni Tolentino na dati nang nagpadala si Lao sa kanyang opisina ng liham na humihingi ng clearance na nagpapahiwatig na wala na itong kinakaharap na anumang contempt charges kaya dapat na umano siyang tanggalin sa immigration lookout bulletin.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Magugunitang noong September 2021, naglabas ang Department of Justice ng immigration lookout bulletin order para kay Lao at pitong iba pang indibidwal sa gitna ng pagsisiyasat noon ng Senado sa umano’y mga iregularidad sa pagbili ng COVID-19 supply ng Department of Health, na ginawa rin sa pamamagitan ng PS-DBM.