Lalaki, tiklo sa gun buy-bust operation sa Legazpi City; suspek, nakunan pa ng shabu

LEGAZPI CITY – Tiklo ang isang lalaki sa isinagawang gun buy-bust operation sa Purok 1, Resettlement Site, Brgy. 56, Taysan, Legazpi City.

Sa operasyon, narekober mula sa 33 anyos na suspek na si alyas “Taweng”, vendor na residente ng nasabing lugar, ang isang caliber 45 Colt na walang kaukulang papeles, kasama ang isang magazine na may limang bala at perang nagkakahalaga ng P10,000.00 bilang buy-bust money.

Samantala, sa isinagawang body search, nakuha pa ng mga otoridad sa suspek ang isang sachet ng pinaniniwalaang “shabu”.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *