‘We are never the aggressors’
‘Yan ang mariing saad ni Senadora Nancy Binay hinggil sa panibagong pangha-harass o pambu-bully ng China sa Ayungin Shoal.
Ito ay matapos lumabas sa isang China’s state run news na sinampahan umano ng Chinese Coast Guard (CCG) ang barko ng Pilipinas bilang parte ng pagpapatupad sa bago nilang batas laban sa mga tresspassers.
Anya, mahirap paniwalaan na ang supply ship pa ng Pilipinas ang may sala samantalang marami ng kaparehong ulat ng pagbangga ng CCG sa mga barko ng bansa at maging sa mga sasakyang dagat ng mga foreign-flagged vessels.
Alinsunod nito, nanawagan siya sa CCG na itigil na ito at maging mabuting kaibigan na lang tulad ng mabuting tratong ipinapakita ng Pilipinas.
Maliban pa roon, ipinunto rin niya na kung tunay na pinapahalagahan ng China ang pakikipagkaibigan nito sa bansa ay gusto niyang ipaalam sa mga ito na hindi kailanman sasaktan ng Pilipinas ang mga kaibigan nito kasama na ang China.