Umano’y totoong pagkatao ni Mayor Guo na ‘Guo Hua Ping’ – dapat ipresenta sa tamang korte

Nanindigan ang kampo ni Bamban Mayor Alice Guo na si Atty. Stephen David na walang alam ang kanyang kliyente hinggil sa inihaing dokumento ng Senado kaugnay sa pagkatao ni alkalde.

Ito ay matapos ang inilabas na picture ni Senador Win Gatchalian na nagsasabi umano ng totoong pagkatao ng alkalde.

Dito makikita ang papeles na may retrato ng babaeng kamukha ni Mayor Guo na ang pangalan ay ‘Guo Hua Ping’.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Mula raw ito sa records ng Board of Investments ng Guo Family nang nag-apply sila para sa Special Investors Resident Visa (SIRV)

Ang registered mother din sa kanilang SIRV ay isang ‘Lin Wenyi’ na una na ring sinabi ni Gatchalian na ‘di umano’y Chinese mother ng alkalde.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay David, sinabi nitong mas mabuti kung ipresenta na lang sa tamang korte ang naturang dokumento.

Read More:  Sen. Bato’s camp calls for respect for ex-PNP chief’s human rights

Samantala, patuloy ang apela ng kampo ng alkalde para sa patas na pagdinig.

Mahirap daw kasi na ang mangyari ay trial by publicity.

Kapag nangyari aniya ito, mahirap nang mapaniwala ang mga tao ano man ang maging desisyon ng husgado.