Senadora Imee – pumalag sa mga umano’y ‘gigil na gigil’ na magpa-impeach kay VP Sara

Binatikos ni Senadora Imee Marcos ang nilulutong impeachment umano kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Sen. Marcos – magsilbing paalala ito na ang gustong paglaruan ay ang demokrasya.

Read More:  1Tahanan distributes metal detectors as Bantay Paaralan Act awaits passage

Kabastusan din aniya ito sa pasya ng bayan, gayundin sa resulta ng eleksyon, at isang panghahamak sa boses at karapatan ng sambayanan sa pagpili ng kanilang lider.

Aniya, hinahamon daw ba ang 32M na mga bumoto kay VP Sara noong eleksyon, o naghahanap ng gulo para hatiin ang mga Pilipino.

Read More:  Palace open to Facebook ban in Philippines

Maaalalang lumutang na ang planong pagpapatalsik kay VP Sara – bagay naman na pinabulaanan na ng mga liderato ng Kamara.