Napapabalitang galing labas si Pastor Quiboloy bago sumuko sa loob ng KOJC compound, ‘kwentong kutsero’ lang – SILG Abalos

Tinawag na “kwentong kutsero” ni Interior Secretary Benhur Abalos Jr. ang mga bali-balitang galing sa labas ng compound sina KOJC Leader Pastor Apollo Quiboloy bago sumuko.

Sa press briefing sa Kampo Crame, sinabi ni Abalos na loob ng KOJC Compound sumuko si Quiboloy at iba pang mga kapuwa-akusado.

Read More:  Ukrainian firm facing money laundering charges sent funds to Duterte-linked company

Paliwanag niya, kung nasa labas na ang pastor ay nakatakas na raw dapat ito.

Read More:  Two men sentenced to life in prison for killing Brigada broadcaster Eduardo ‘Ed’ Dizon

At kung nasa labas man daw ito dapat ay doon na lamang siya sa kinaroroonan niya sumuko at hindi na pumasok pa ng compound.

Ayon pa kay Abalos, kwentong kutsero lamang ito kaya wag dapat paniwalaan.