“Anti-fake news officer”, itatalaga sa lahat ng state media

Maglalabas ng memorandum circular ang bagong pamunuan ng Presidential Communications Office sa lahat ng state-run platforms upang palakasin ang kampanya kontra misinformation at disinformation.

Sa budget briefing ng PCO sa House Committee on Appropriations ngayong araw, kinumpirma ni Secretary Cesar Chavez na magkakaroon ng bagong inisyatiba sa mga susunod na araw kung saan magtatalaga ng fact-check officer o anti-fake news officer sa lahat ng state media.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Layon aniya nito na maiwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon at storya na nagmumula sa PTV-4, Radyo Pilipinas, Philippine News Agency, IBC-13, Philippine Information Agency at PCO proper.

Iginiit din ni Chavez na walang lugar ang red-tagging sa PCO sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Ipinunto kasi ni ACT Teachers Party-list Representative France Castro na uso ang red-tagging sa PCO noon kung saan nagiging biktima ang mga progresibong organisasyon at indibidwal.

Kasabay nito, tiniyak ni Chavez na paghahandaan nila ang mga hamon na posibleng mapugaran ng fake news tulad ng artificial intelligence at ang paparating na 2025 midterm elections.