Senador, pinaiimbestigahan sa DA ang biglaang pag-akyat ng presyo ng luya sa merkado

Ikinaalarma ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang biglaang pagtaas ng presyo ng mga gulay partikular na ang luya.

Lumabas kase sa public market price watch segment ng senador sa isang programa na mula sa P220 per kilo na presyo ng luya noong nakaraang linggo ay umakyat na ito ngayon sa P320.

Alinsunod nito, nanawagan siya sa Bureau of Plant and Industry (BPI) ng Department of Agriculture (DA) na imbestigahan ang puno’t dulo ng biglaang pagtaas ng presyo ng luya na siyang isa sa mga pangunahing pangangailangan sa loob ng mga kasambahayanan.

Anya, importante kase ang luya lalo na para sa mga mamamayang Pilipino na bumibili ng isda kung kaya’t wala ring kwenta ang pagpapababa ng presyo ng isda kung mataas ang presyo ng luya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *