Liderato ng Senado – hindi nangangambang makakaapekto ang naging viral issue ni Padilla sa kanilang rating

Hindi nangangamba si Senate President Chiz Escudero na makakaapekto ang naging viral issue kay Senador Robin Padilla sa kanilang satisfactory rating.

Lumalabas kase sa 2024 second quarter survey ng Social Weather Station (SWS) na nanatili sa ‘very good’ satisfaction rating ang Senado.

Read More:  DILG suspends 2 SK chairpersons in Makati over alleged corruption

Kung saan 66% ng mga Pilipino ang kuntento sa kanilang trabaho samantalang nasa 16% ang nagsasabing hindi sila kuntento.

Anya, sa tantiya niya, ang mangangamba lang naman sa posibleng pagbaba ng rating ay ang mga may balak pa na tumakbo sa darating na halalan at hindi siya kabilang ng mga ito.

Read More:  Comelec open to BSKE postponement, sets condition

Matatandaan, naging viral si Padilla dahil sa kanyang naging pahayag hinggil sa ‘urge’ ng mga lalaki sa usaping marital rape sa sarili niyang pagdinig.