Restaurant sa Naga City, nilooban

NAGA CITY- Pinasok ng hindi pa nakikilalang mga salarin ang isang kilalang restaurant sa Naga City.

Sa ulat ng Naga City Police Office nangyari ito bandang ala 1:00 ng madaling araw nitong Enero 2, 2024 sa Panganiban Drive, Barangay Concepcion Pequeña. Ayon sa 39-anyos na may-ari ng puwesto, sa pagbukas ng puwesto nakita na basag na ang salaring entrance door.  Doon na nadiskobre na nawawala na ang P30,000.00 ba cash at food order reciever na nagkakahalaga naman ng P5,000.00.

Read More:  Philippine Eagle Foundation urges public to protect Philippine Eagles
Read More:  Binalbagan River residents brace for foul odor, murky water as milling season opens

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad, nagtatanong na rin sa mga kuha ng CCTV malapit sa lugar dahil hindi gumagana ang CCTV ng restaurant.